NANUMPA | Mga bagong halal na punong barangay sa Quezon City, nanumpa na kahapon

Quezon City – Kabuuang 142 bagong halal na Punong Parangay sa 6 na distrito sa Lungsod ng Quezon ang pormal nang nanumpa sa kanilang tungkulin kahapon.

Ang Mass Oathtaking ay ginawa sa harap ni QC Mayor Herbert Bautista sa Quezon City Hall .

Nangako ang mga Barangay Officials na kanilang gagampanan ng maayos ang kanilang tungkulin alinsunod sa umiiral na batas sa pagsimula ng kanilang panunungkulan ngayong buwan ng Hulyo.


Pagkatapos ng panunumpa, bawat Punong Barangay ay pinagkalooban ng Quezon City Government ng tig isang brand new ambulance vehicle na magagamit sa kanilang Barangay.

Ang Oathtaking ng mga Barangay Chairmen ay ginawa by batches ,una ay alas 7 ng umaga kahapon kung saan nanumpa ang lahat ng nasa District 1, sumunod ang District 2-5 at 6 .

Habang ang iba pang Distrito ay isusunod hanggang matapos ang panunumpa ang lahat maghapon.

Facebook Comments