Manila, Philippines – Nanumpa na sa kanyang bagong posisyon si Atty. Edgar Aricheta na hinirang bilang bagong Clerk of Court ng Supreme Court En Banc.
Si Aricheta ay nanumpa kay Acting Chief Justice Antonio Carpio.
Nakakuha si Aricheta ng siyam na boto mula sa 14 na mahistrado ng Korte Suprema na dumalo sa En Banc Session noong Martes.
Si Aricheta ay dating Clerk of Court ng Supreme Court First Division.
Siya ang pumalit sa pwesto ng nagretirong si Dating Supreme Court En Banc Clerk of Court Atty. Felipa Borlongan-Anama.
Pangunahing Tungkulin ni Aricheta ang pangangasiwa sa magiging agenda sa tuwing may session ng Supreme Court En Banc.
Hahawakan din ni Aricheta ang posisyon bilang clerk of court ng Presidential Electoral Tribunal (PET).
Facebook Comments