NANUMPA NA | COMELEC Commissioner Antonio Kho, pormal nang nanumpa

Manila, Philippines – Nanumpa na bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (COMELEC) si Antonio Kho.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, nanumpa si Kho kay poll chairman Sheriff Abas.

Ang seremonya ay nasaksihan ng commissioners na sina Luie Guia, Rowena Guanzon, Socorro Inting at Marlon Casquejo maliban kay Al ParreƱo.


Sa kanyang bagong pinasok na responsibilidad, humingi si Kho ng suporta sa mga empleyado ng ahensya.

Si Kho ang ika-apat na appointment naĀ  ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa electoral body.

Magsisilbi si Kho hanggang February 2, 2022.

Facebook Comments