NANUNOG NG BAG | Administrator ng eskwelahan sa Bicol na nag-viral, nag-sorry!

Humingi na ng tawad ang administrador ng isang eskwelahan na nag-utos na sunugin ang mga gamit ng ilang Senior High School (SHS) students ng Bicol Central Academy.

Emosyonal na binasa ni Alexander James Jaucian ang kaniyang sulat nang paghingi ng tawad sa mga magulang ng labing apat na estudyanteng sinunog niya ang mga bag at gamit.

Giit ni Jaucian, nagawa lang niya ito bilang disciplinary action sa hindi pagsunod ng mga bata sa dress code at no bag policy.


Dahil sa pangyayari, pinatawan si Jaucian ng tatlong buwang suspension ng walang sahod ng paaralan.

Pinababayaran din sa kaniya ang lahat ng mga gamit ng estudyante na kaniyang sinunog at pinapasailalim rin siya developmental course at social media ethics seminar.

Samantala, pinaghahain na ng Department of Education (DepEd) ang administrator ng indefinite leave of absence.

Pag-aaralan din ng DepEd kung ikakansela ang Senior High School permit ng paaralan.

Facebook Comments