Napaasa o Kusa kang Umasa?

Nagpadala ka sa emosyon na masaya, Nagpadala ka sa panaginip mo na baka pwede nga, Nagpadala ka sa damdamin mo na gusto mo siya, Nagpadala ka sa pakiramdam na parang kayo na.

Hinayaan mong gawin niya ang mga bagay na nagpapakilig sa’yo, Hinayaan mong saktan ka niya at maya maya’y magkakabati na naman kayo, Hinayaan mong magtiis ang puso at isip mo, Hinayaan mo nalang ang pwedeng mangyari at nagtiis; ang mahalaga nandyan siya sayo…at PARANG KAYO.

Sa kaunting panahon na pag ti text, tawag at chat niyo, At kapag magkasama naman kayo hindi siya nakatuon sa’yo, Kayang-kaya mong lunukin ang lahat ng ito, Umaasa ka na balang araw ikaw na ang mundo.


Binigyan ka niya ng oras…kilig na kilig ka naman dito, Niyaya mo siyang lumabas, minsan pakipot siya pero halatang gustong gusto, Magulo talaga ang sitwasyon niyo Ngayon nasasaktan ka at hindi mo alam kung PINAASA KA BA O KUSA KANG UMASA … Sa tingin mo? Ano?

Ikaw lang ang makakasagot sa tanong na mahirap aminin kung ano nga ba ang sitwasyon mo, Bes.

#HugoTere995

Facebook Comments