NAPABAYAAN | Nagbabagang uling, sanhi ng sunog na sumiklab sa E. Rodriguez, Quezon City

Quezon City – Napabayaang mga nagbabagang uling mula sa ihawan ang dahilan ng sunog sa Grillbrient establishment sa Banawe St. kanyo ng E. Rodriguez, Quezon City.

Sa initial na imbestigasyon ng Quezon City Fire Department, nagsimula ang sunog bandang alas 8:45 ng gabi.

Tumagal lamang ng halos 20 minuto ang sunog na umabot sa unang alarma.


Sa ngayon, inaalam pa ang kabuuang pinsala at ang buong detalye sa pagkalat ng apoy.

Iniimbestigahan na rin ang huling empleyado na umalis sa nasabing establisyimeto na nag-iwan sa mga nagbabagang uling.

Samantala, alas-6 ng gabi nagkaroon din ng sunog sa Commonwealth sa kaparehong lungsod kung saan hindi baba sa dalawang bahay ang naapektuhan.

Facebook Comments