Cebu – Umapela ngayon si Cebu Archbishop Jose Palma sa publiko na manatiling kalmado at iwasan ang mga ispikulasyon tungkol sa nangyari kaninang umaga sa Archbishop’s Palace compound kung saan isang armadong lalaki ang nakapasok at nabaril –patay ng mga nagresponding miyembro ng PNP .
Inihayag ito ni Palma sa pamamagitan ni Cebu Auxilliary Bishop Dennis Villarojo nang makausap nito ang Arsobispo na nasa Maynila pa sa ngayon matapos ipaalam ang nangyari sa kanilang compound kaninang umaga .
Ayon kay Palma, hayaan muna ang PNP na ipagpatuloy ang kanilang imbistigasyon.
Samantala, lumapit na rin sa PNP ang pamilya ng napatay na armadong lalaki na nakilalang si Jeffrey Mendoza Cañedo na taga Barangay Labangon, Cebu City.
Napag-alaman ng PNP na si Cañedo ay nakaranas sa depresyon matapos hiwalayan ng kaniyang asawa na simula noon ay walana itong sa matinong pag iisip .
Ang suspek ay anak ng dating pulis na si Feliciano Cañedo.
Pumasok ang suspek na nakamotorsiklo sa loob ng Archbishop Palace compound, at hinanap si Palma dahil gusto nitong kausapin.
Kinausap siya ng ilang staff sa palace at nang magduda ito sa mga kilos ng lalaki, tumawag na ito ng mga pulis, at dito nangyari ang barilan.
Matapos ang insidente, kaagad na nagtala ang PRO-7 ng ilang mga police personnel sa loob at labas ng Archbishop`s Palace para sa kanilang seguridad.