Tiwala si Sergio Ortiz-Luis, Pangulo ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na mas mapapalawak pa ang trade relations ng Japan at ng Pilipinas kung maipatutupad ang visa exemption.
Sa Laging Handa public briefing, inihayag ni Luis na hindi naman mahirap gawin ang visa exemption at tiyak aniyang welcome ito sa mga negosyante kapwa ng Pilipinas at Japan.
Batay aniya sa mga nakausap niyang Japanese nationals na pabalik-balik sa bansa ay hindi maiiwasang may idinadaing itong mga reklamo.
Partikular aniya dito ay may kinalaman sa pagpo-proseso ng kanilang pagpasok sa bansa.
Kaya’t kung sakali aniyang mangyari ang visa exemption, mas makabubuti ito at tiyak na may tulong sa trade and investment relations ng Pilipinas at ng Japan.
Facebook Comments