NAPAG-UTUSAN LANG DAW | 3 menor, arestado dahil sa pandurukot sa Tondo

Tondo, Maynila – Arestado ang tatlong menor de edad na sangkot sa serye ng pandurukot sa Jose Abad Santos sa Tondo, Maynila.

Hindi na pinangalanan ang mga binatilyo na may edad 15 hanggang 17 anyos.

Ayon sa Tayuman Police Community Precinct, dalawang babae ang nagreklamo sa kanilang tanggapan matapos na parehong dukutan ng cellphone ng mga suspek.


Ilang beses na umanong nahuli ang tatlo pero nakakalaya dahil sa menor de edad.

Depensa naman ng tatlo, napag-utusan lang sila ng isang alyas “JM” na nagbabanta raw sa kanila na bubugbugin kung hindi susunot sa kanyang utos.

Kaugnay nito, iniimbestigahan na ng pulisya kung may humahawak na sindikato sa tatlo at kung saan nabili ang dalawang sachet ng marijuana na narekober sa kanila.

Facebook Comments