NAPAGKAMALANG MANGKUKULAM | Isang lola sa Ilocos Norte, patay matapos pagbabarilin makaraang pagkamalang mangkukulam

Manila, Philippines – Dead on arrival sa ospital ang isang matanda matapos barilin makaraang pagkamalang mangkukulam sa Brgy. Baoa East, Batac City, Ilocos Norte.
Nakilala ang biktima na si Guillerma Sadiri, 64-anyos, residente ng nasabing barangay.
Binaril ang biktima habang naghahanda ng hapunan sa kusina ng kanilang bahay kung saan may tama ito ng bala sa kanang bahagi ng kanyang likod na kaniyang ikinamatay.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam na din ang pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments