NAPAGOD | Kampo ni Sereno, pinabulaanang may karamdaman ang Chief Justice kaya hindi nakabalik sa trabaho ngayong umaga

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng kampo ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno na may iniindang seryosong karamdaman ang punong mahistrado.

Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao – Isa sa mga abogado ni Sereno, hindi nakapasok ngayong umaga ang punong mahistrado dahil kailangan muna nitong magpahinga matapos mapagod kahapon sa pagbabalik nito sa trabaho.

Gayunman, posible aniyang magtungo rin ito sa Korte Suprema ngayong hapon para magtrabaho.


Nabatid na kanina ay hindi rin ito natuloy sa kanyang appointment sa labas dahil tumaas daw ang blood pressure nito.
Kahapon, hindi na nakabalik sa kanyang trabaho sa Supreme Court si Sereno matapos itong dumalo sa speaking engagement.

Facebook Comments