NAPAGTRIPAN |19-anyos na binaril noong Pasko, binawian na ng buhay

Caloocan City – Namatay na ang 19-anyos na estudyante na biktima ng pamamaril sa Caloocan noong Pasko.

Sa ulat, mismong ang pamilya ni Eugenus Cayanan ang nagkumpirma na binawian na siya ng buhay kagabi matapos ang ilang araw na critical situation sa Manila Central University Hospital.

Matatandaan na tinamaan sa batok si Cayanan habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan sa Sampaguita Street, Barangay 156 matapos mapag-tripan ng dalawang lalaking naka-motorsiklo.


Patuloy naman ini-imbestigahan ng pulis ang nasabing insidente kung saan sa ngayon ay may tinitingnan na silang mga tao na konektado sa krimen.

Facebook Comments