NAPAGTRIPAN | Dalawang lalaki, sugatan matapos pagtripang paluin sa ulo

Valenzuela City – Sugatan ang dalawang magkabigan matapos pag-tripan ng dalawang tambay sa Valenzuela City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Valenzuela Medical Center ang mga biktimang sina Rakkie Samiel Piñol at Ronald Tenales na kapwa nagtamo ng pinsala sa ulo.

Magkasamang naglalakad pauwi sa kanilang bahay ang mga biktima sa may Balubaran Street, nang murahin sila ng dalawang lalaking nakaistambay sa lugar.


Kinompronta ni Tenales ang dalawang lalaki pero pinalo ito ng kahoy sa ulo kung saan nang tumulong si Piñol ay pinukpok naman siya ng bato sa ulo dahilan para bumagsak at mawalan ng malay.

Nagawa namang makatakbo palayo at makahingi ng tulong ni Tenales pero nakatakas na ang mga suspek habang mabilis naman naisugod ang dalawang biktima sa ospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang makilala at madakip ang mga suspek.

Facebook Comments