Buo ang suporta ni House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co sa Solar Irrigation Project ng National Irrigation Administration (NIA).
Saklaw ng proyekto ang 71 sites sa Bicol Region na umaabot sa 1,810 ektarya kung saan 4,560 na mga magsasaka ang makikinabang.
Para kay Co, sulit ang 1.5 billion pesos na halaga ng proyekto dahil tiyak na matutugunan nito ang napakahalagang pangangailangan ng mga magsasaka sa patubig na magreresulta sa paglakas ng kanilang ani.
At dahil matutubigan na ang mga pananim kahit tag-tuyot ay inaasahan ni Co na aabot sa ₱140 million ang madadadag sa kabuang kita ng benepisaryong mga magsasaka kada taon.
Binigyang-diin ni Co na ang mga magsasaka ang sandigan ng ating ekonomiya kaya dapat silang mabigyan ng mga kagamitan at resources na kailangan upang umunlad at mapalakas ang kanilang produksyon ng pagkain.