Umaabot pa lamang sa 30% na mga benepisyaryong ang nakatanggap ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Director Irene Dumlao, naibigay na sa 3.7 milyong benepisyaryo ang kanilang mga ayuda na nagkakahala ng higit ₱2 bilyon.
Aminado naman si Dumlao na maraming hamon ang kanilang hinaharap sa pamamahagi ng ikalawang bugso ng ayuda.
Mahirap din aniya ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga liblib na lugar dahil sa kawalan ng payout centers.
Tiniyak ng DSWD na magiging tuluy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda dahil naproseso na ang mga payroll at nasa financial service providers na rin ang mga ito.
Target ng ahensya na matapos ang pamamahagi ng digital payment ngayong buwan ng Hulyo at sa Agosto 15, 2020 sa mga liblib o malalayong lugar.