NAPAMURA | Dating Senador Jinggoy Estrada, muntik na ma-cite in contempt ng Sandiganbayan

Manila, Philippines – Muntik ng ipa-cite in contempt ng Sandiganbayan fifth division si dating Senador Jinggoy Estrada dahil sa naging komento nito sa pagdinig ng kanyang kaso.

Sa pagdinig, hindi naiwasan ni Estrada na magmura habang nagco-cross examination’ ang whistleblower na si Benhur Luy.

Agad namang humingi ng paumanhin si Estrada at sinabing nakapagkomento lamang siya dahil mali at kaduda – duda ang mga testimonya ni Luy.


Si Estrada ay sinasabing nakinabang sa PDAF sa pamamagitan ng mga pekeng NGO ni Janet Lim-Napoles mula taong 2004 hanggang 2012.

Facebook Comments