NAPAMURA? | Liza Soberano, usap-usapan ngayon dahil sa birthday video message nito

Manila, Philippines – Talk of the town ngayon ang aktres na si Liza Soberano dahil sa viral video nito na kung saan ay nagmura ito habang nagbibigay ng isang birthday greetings.

Umani ng sari-saring reaksyon ang five second video ni Liza at makikita dito na habang nagbibigay ng mensahe ay tila may nanggulo sa kanya kaya siya napalingon at nagmura.

Hati naman ang opinyon ng mga netizen na nakakita ng naturang video at may ilang ikinumpara ang video na ito sa maraming pagkakataong nagmura si Pangulong Rodrigo Duterte.


Kaugnay nito, may ilang kumuwestiyong sa positibong tingin kay Liza sa viral video habang may ilan namang nagsabing walang masama sa video ni Liza dahil tao lamang daw ito at madalas nagkakamali.

Maraming fans naman ang agad na dumepensa at sinabing edited ang video dahil sa halip na mura, ang sinabi raw ni Liza ay “Ang ingay mo.”

Wala naman anumang pahayag pa si Liza tungkol sa isyung ito maging ang kaniyang manager na si Ogie Diaz.

Facebook Comments