Napapabalitang kagustuhang sumuko ng Abu Sayyaf Group leader na si Radulan Sahiron, ikinatuwa ng AFP

Manila, Philippines – Itinuturing ng Armed Forces of the Philippines na isang welcome development para sa gobyerno sakaling totoo ang napaulat na gusto nang sumuko ng Abu Sayyaf Group leader na si Radulan Sahiron.

Kasunod na rin ito ng balitang may surrender feeler na umanong ipinaabot ang bandidong lider.

Ayon kay AFP Pao Chief Marine Col. Edgard Arevalo – pagpapakita ito na naliliwanagan na ang pag-iisip ni Sahiron para maunawaan na hindi nito kailangang mamundok, magtago sa batas at sa lipunan habangbuhay.


Bukod rito, ituturing din ng AFP na itong encouragement para sa iba pang mga miyembro ng ASG.
Nation

Facebook Comments