NAPAPABAYAAN? | Mga street children na pinagdadampot ng Manila Department Social Workers tumatakas sa shelter dahil nagugutom

Manila, Philippines – Mistulang nasasayang lamang ang kampanya ng Manila City Government tungkol sa mga Street children na palaboy-laboy sa Manila dahil tumatakas ang mga ito sa Kanilang Shelter matapos na magsagawa ng operasyon ang Manila Department Social Workers sa Baywalk sa Roxas Boulevard, Manila.

Halos araw-araw ay nagsasagawa ng operasyon ang Manila City Government sa mga lugar na madalas pinagtatambayan ng mga street children at kanilang nirerescue pagkatapos ay dinadala sa shelter ng DSWD pero ang problema ay tumatakas ang mga batang palaboy.

Katwiran ng mga street children kaya sila ay tumakas sa pinagdadalhan sa kanila ay dahil sa hindi sapat ang mga pagkain na ibinibigay sa kanila at bukod dito ay kumikita umano sila sa labas sa pamamagitan ng pagtitinda.


Una rito sunod-sunod na operasyon ang ginagawa ng Manila City Government sa mga batang palaboy sa iba’t-ibang lugar sa Maynila upang matiyak na magiging malinis ang lungsod sa mga street children.

Facebook Comments