NAPAPAHIYA | Paglalagay ng tape sa nguso ng baril ng mga pulis, hindi na gagawin

Manila, Philippines – Wala nang plano ang Philippine National Police (PNP) na takpan ng tape ang nguso ng service firearms ng kanilang mga tauhan na kadalasang ginagawa kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Matatandaang ang paglalagay ng tape sa mga baril ay ipinatupad kasunod ng dumaraming nabibiktima ng ligaw na bala at indiscriminate firing tuwing Bagong Taon.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde – napapahiya ang kapulisan lalo na sa mga turista kapag nakikitang naka-busal ng tape ang dulo ng kanilang mga baril.


Pero nagbabala pa rin si Albayalde sa buong kapulisan na mahaharap sa matinding parusa ang sinumang magsasagawa ng indiscriminate firing.

Facebook Comments