Napapahon na para maipamulat sa mga kabataan ang kahalagahan ng Reserved Officers Training Corps o ROTC.
Ito’y sa gitna na rin ng pagkahumaling ng nga “Millennials” at “Generation Z” sa social media at halos hindi na mabitawan ng mga ginagamit na gadgets.
Sa interview ng RMN Manila kay AFP Spokesperson, Brigadier General Edgard Arevalo – sa tulong ng ROTC, maisasapuso at maisasaisip ng mga kabataan ang pagmamahal sa bayan.
Matuturuan din sila sa disiplina sa sarili at paggalang sa may kapangyarihan.
Napansin din ni Arevalo ang hindi pagkasa ng mga kabataan sa mga ganitong pagsasanay.
Binigyang diin niya ang aral na itinuturo ng pagma-martsa.
Pagdating naman sa isyu ng korapsyon at pang-aabuso sa ilalim ng ROTC, iginiit ni Arevalo na ang problema ay nagmumula sa nagpapatupad nito.
Ang mga “Millennials” ay ang mga batang ipinanganak noong early ‘80s hanggang early 2000 habang ang mga “Generation Z” naman ay mga batang ipinanganak noong mid-90’s hanggang early 2000.