Manila, Philippines – Napapanahon ng lumutang ang mga nabiktima ng karahasan noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos upang mabigyan ng karampatang suporta mula sa gobyerno.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi Chairperson ng Human Rights Victims Board Lina Sarmiento marami nakadetine sa panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos pero hindi naman sila nag apply sa Human Rights Victims Claim Board upang maproseso ang kanilang hinihingi danyos.
Paliwanag ni Lina na nakatanggap ang HRVCB ng kabuuang 75,730 ang nag claims kung saan 100 percent sa kabuuang claims ang sinimulan ng matatapos habang ang natitirang Draft Resolution ay nakahanda ng ipadadala sa mga claimant.
Dagdag pa ng opisyal umaabot sa 5,121 eligible claims ay nabigyan ng partial monetary reparation na may kabuuang halaga ng mahigit 362 milyong piso kung saan ang mga claimant na nailathala na ang kanilang pangalan noong December 14 2017 ay makatatanggap na ng full monetary reparation pagkatapos maproseso ng Board ang kanilang Claims.
Matatandaan na base sa Probisyon ng Non-7Monetary Reparation nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng HRVCB,DOH at CHR noong October 14 2015 kung saan napagkasunduan ng Board na aalalayan ng DOH ang mga Claimants na naaabuso noon ng panggagahasa,torture at ibang pang sexual abuse noong panahon ni rehimeng Marcos.