Napapanahong pagsasabatas ng UHC Law, nagbigay daan sa libreng COVID-19 tests – Roque

Naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagsasabatas ng Universal Health Care (UHC) Law ang nagbigay daan para sa libreng COVID-19 testing para sa milyong mga Pilipino.

Sa isang panayam, sinabi ni Roque na tila parang ‘destiny’ na nakapasa ang UHC at naging batas bago nagkaroon ng COVID-18 pandemic.

Sa tulong ng batas, nakakapagsagawa na ng libreng RT-PCR o swab test at napagtibay ang kapasidad ng health sector.


Ang PCR test ang nananatiling gold standard sa pagtukoy ng SARS-CoV-2.

Isa sa mga layunin ng UHC ay magbigay ng diagnostic test sa milyong mga Pilipino.

Ang mahalaga aniya ay matutulungan ng pamahalaan ang bawat Pilipino sa kanilang pangangailangang medikal.

Facebook Comments