Napapatay sa gulo sa lungsod ng Marawi, umakyat na sa 936

Marawi City – Umabot na sa 936 na indibidwal ang napapatay sa nagpapatuloy na giyera sa lungsod ng Marawi.

Ito ay batay sa huling datos ng Armed Forces of the Philippines.

Sa bilang na ito, 736 ay mga miyembro ng Maute terrorist Group ang nasasawi.


Nasa 47 naman ang bilang ng mga sibilyang napatay ng Maute Terrorist Group, at 153 ay mga sundalo at pulis na nagbuwis ng kanilang buhay sa nangyayaring giyera.

Umakyat na rin sa 1,733 na sibilyan ang nailigtas ng militar mula sa gulo sa lungsod ng Marawi.

Umakyat na sa 707 ang narerekober na armas ng militar mula sa giyera sa Marawi City.

Habang 36 na gusali na ang clear o nalinis na ng military.

Sa ngayon, nagpapagtuloy ang giyera sa pagitan ng militar at Maute Group na halos mag-aapat na buwan na.

Facebook Comments