Napapatay sa war on drugs ng PNP, nadagdagan ng walo

Manila, Philippines – Nagpapatuloy ang War on drugs campaign ng PNP.


Sa pinakahuling datos na inilabas ng PNP, umakyat na sa 54 ang naitatalang patay sa sa giyera kontra droga.

Lumalabas na 8 ang naidagdag mula sa 46 na naitalang patay ng PNP sa loob ng 24 oras.

Pinakamarami sa mga napatay ay mula sa Region 3 na nakapagtala ng 24.

Pinakamababang bilang naman ang Regions 1, 9 at 12 na mayroon lamang tig iisang patay sa operasyon.

Sa ilalim naman ng kanilang Tokhang Revisited, umaabot na sa 160, 229 ang bahay na kanilang nabibisita.



        

Facebook Comments