Napaulat Na Isang Nasawi Sa Sunog Sa Cavite Economic Zone Sa General Trias – Binawi Ni Gov. Boying Remulla….Halaga Ng Pi

32

GEN. TRIAS, CAVITE – Binawi ni Cavite Gov. Boying Remulla ang nauna na nitong pahayag na mayroon ng isang nasawi sa sunog sa pabrika ng kompanyang hti sa economic zone sa Gen. Trias, CaviteAgad na humingi ng paumanhin si Remulla sa maling impormasyon na ibinigay sa kanya ng kanyang staff.Paglilinaw ng gobernador, ang napaulat na nasawi sa Divine Grace Hospital ay hindi empleyado ng HTI.Sa ngayon na tatlo ang nawawala, 44 ang naka-confined sa ospital kung saan dalawa ang nasa i-c-u mula sa anim na kritikal ang kondisyonUmabot naman sa 15 billion pesos na ang pinsala ng sunog.Kasabay nito, sinabi ni Remulla na hindi na kailangang magdeklara ng state of calamity sa probinsya, pero tiniyak ang tulong sa mga biktima.Ngayong araw, inaasahang maidedeklara nang fire-out ang sunog sa Cavite econic zone.

Facebook Comments