Iniimbestigahan na ng Manila Police District (MPD) ang ulat na may isang kaso ng stray bullet o tinamaan ng ligaw na bala sa lungsod.
Ayon kay MPD Director Police Brigadier General Thomas Ibay, nagpadala sila ng investigator upang tukuyin kung saan nagmula ang biktima at upang maimbestigahan na ang insidente.
Hindi naman nasawi ang biktima na nagtamo lamang umano ng sugat sa kamay.
Samantala, tuloy ang pagkumpiska ng mga tauhan ng MPD ng mga iligal na paputok lalo na at may mga humahabol pa ngayong araw
Facebook Comments