Umakyat pa sa 81 ang napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sasailalim pa sa validation ang bilang ng mga nasawi.
Samantala, nasa 34 naman ang iniulat na nawawala habang 66 ang mga nasaktan.
Nasa 986,974 na pamilya o katumbas ng mahigit 4.2-M indibidwal ang apektado ng bagyo mula sa 5,867 na mga barangay sa Region 1 (Ilocos Region), Region 2 (Cagayan Valley), Region 3 (Central Luzon), CALABARZON, MIMAROPA, Region 5 (Bicol), Region 6 (Western Visayas), Region 7 (Central Visayas), Region 8 (Eastern Visayas), Region 9 (Zamboanga Peninsula), Region 10 (Northern Mindanao), Region 12 (SOCCSKSARGEN), CARAGA, BARMM, CAR, at NCR.
Sa nasabing bilang, mahigit 318,000 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation centers sa bansa.
Kaugnay nito, P120-M na ang halaga ng tulong na naipagkakaloob ng pamahalaan sa mga apektadong residente na kinabibilangan ng family food packs, damit, gamot at maraming iba pa.