Napaulat na pagtataboy ng Chinese Coast Guard sa Phil. Navy sa Bajo de Masinloc, propaganda lang ng China – AFP

Itinanggi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner ang ulat na tinaboy umano ng Chinese Coast Guard (CCG) ang barko ng Philippine Navy sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon kay Brawner ang ulat na nagmula sa Beijing ay propaganda lang ng China para maipakita sa kanilang internal audience na may ginagawa sila.

Nilinaw pa ni Brawner na walang pwersa ang Philippine Navy sa bisinidad ng Scarborough Shoal, at tanging ang Philippine Coast Guard (PCG) lang ang may presensya sa lugar.


Matatandaang kamakailan lang ay inalis ng PCG ang floating barrier na inilagay ng CCG sa lugar na sagabal sa paghahanap-buhay ng mga lokal na mangingisda.

Giit pa nito kung mayroon mang barko sa lugar ang Philippine Navy, hindi sila papayag na palayasin at paninindigan ng Philippine Navy ang kanilang tungkulin na pangalagaan ang karapatan ng mga mangingisdang Pilipino sa Exclusive Economic Zone ng bansa.

Facebook Comments