Inihayag ni National Plan Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., na umabot na sa 54,260 na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at seafarers ang natulungan makauwi ng gobyerno ngayong nakakaranas ng COVID-19 pandemic.
Aniya, nitong isang linggo nakapagpauwi ang gobyerno ng 2,272 returning OFWs sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw lamang.
Sa ngayon aniya ay bukas na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 at Clark, at bubuksan na rin ang ibang international gateway sa Visayas at Mindanao para makapaghanda ang mga Local Government Units (LGUs) na tanggapin ang mga nagbabalik na OFWs matapos ang kanilang RT-PCR testing.
Samantala, para naman sa mga Locally Stranded Individual (LSIs), sinabi ni Galvez na nakapagpauwi na ang gobyerno ng 30,495 LSIs sa kanilang mga lugar.
Nagpapasalamat naman si Galvez sa mga LGUs dahil sa patuloy na pagtatrabaho.
Aniya, kapag dumating na ang iba pang test kits ay ipapamahagi sa mga LGUs para ma-test ang mga LSIs.