Tiniyak ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) na makakatanggap ng tulong ang coconut farmers para payabungin ang kanilang kita.
Ayon kay NAPC Lead Convenor Noel Felongco – lumagda sila ng kasunduan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para gamitin ang ₱49 million donation na hindi nagalaw ng nakaraang NAPC administration.
Sa ilalim ng isang proyekto, magtatayo ng village-based coconut production plants na magsisilbing one-stop shop para sa pagpoproseso ng niyog sa iba’t-ibang produkto gaya ng coconut water, asukal at harina.
Makikipagtulungan din ang NAPC sa iba pang ahensya para sa pagapatupad ng poverty-reduction activities.
Facebook Comments