NAPIGILAN | IED narekober sa North Cotabato

North Cotabato – Napigilan ng mga pulis at sundalo ang tangkang pagpapasabog ng bomba sa ibat-ibang bahagi ng North Cotabato matapos ang pagkakadiskubre ng 5 IED sa isang liblib na lugar sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Ayon kay Police Chief Superintendent Julius Malcontento, hepe ng Carmen PNP ang limang IED ay nakasilid sa isang bag at narekober sa Sitio Galay Barangay Kibayao sa bayan ng Carmen pasado alas dose ng tanghali kahapon na sinasabing iniwan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Ang bomba ay gawa sa bala ng 81 mm mortar at IED components at ito ay nasa kustodiya na ngayon ng 602nd infantry brigade.


Facebook Comments