NAPIKON | 37-anyos na lalaki, patay matapos barilin ng sariling ama sa Iloilo

Iloilo – Patay ang isang 37-anyos na lalaki matapos barilin ng sariling ama sa Maasin, Iloilo.

Kinilala ang biktima na si Felimon Miranda habang ang suspek na sariling ama nito ay si Eduardo, 64-anyos.

Sa ulat, nagalit ang suspek sa biktima dahil palagi itong nagwawala kapag nalalasing kung saan nananakit at hinahagisan sila ng bato.


Dahil dito, binaril ng suspek gamit ang 12 gauge shotgun ang biktima sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Kusa namang sumuko sa Maasin Police Station ang nasabing suspek.

Facebook Comments