NAPIKON | Gretchen Barretto, pumatol na sa bashers

Manila, Philippines- Napikon na si Gretchen Barretto sa panghuhusga sa kanya ng ilang netizen kasunod ng kontrobersyal niyang instagram live video na nag-viral kamakailan.

Hindi kasi nagustuhan ng mga netizen ang pagtawa nila ng kanyang mga kaibigan habang binabasa ang isang sulat na ipinadala ng follower sa kanyang wish-granting activity sa instagram.

Tapos na sana ang isyu pero hindi na nakapagtimpi si Gretchen nang tawagin siyang “plastic” ng isa pang netizen.


Sagot niya, sa halip na mag-aksaya ng oras sa kanya, magtrabaho at mag-ipon na lang daw ang netizen para makatulong din sa iba.

Sinagot din ni Gretchen ang batikos sa kanya na wala man lang daw pakialam sa ama niya na may sakit.

Buwelta ni Gretchen, “You do not know our history, nor do you know my pain.”

Nabatid na wala nang komunikasyon sa kanyang mga magulang si Gretchen matapos na makaalitan noong 2013.

Facebook Comments