NAPIKON | Isang lalaki, patay matapos paluin ng billiard stick ng kaniyang kaibigan

Malabon City – Asar talo, ito ang naging dahilan ng suspek para patayin ang kaniyang kaibigan habang naglalaro sila ng billiards sa Malabon City.

Sa ulat, nagbibilyar ang suspek na si Jomar Torres kung saan nagalaw ng biktimang si John Erwin Rugay ang bola saka inihulog sa butas.

Ayon sa mga saksi, tila nagbibiro lamang daw ang biktima pero naasar at napikon daw ang suspek sa ginawa nito.


Dahil dito, pinalo ng billiard stick ng suspek ang biktima saka ito bumagsak at nawalan ng malay.

Agad na isinugod sa ospital si Rugay pero idineklara itong dead on arrival ng mga doktor habang hindi naman na mahagilap ang suspek.

Facebook Comments