NAPIKON | Mister, sugatan matapos paluin ng bato ng kaniyang misis

15

Manila, Philippines – Putok ang ulo ng isang mister matapos na paluin ng bato ng kaniyang misis dahil sa hindi nito pagre-remit ng kaniyang sweldo sa Maynila.

Sa imbestigasoyn ng MPD-Station 7, nagalit ang misis na si Apple nang malamang inubos ng mister na si Cris ang P500.00 na sweldo sa pag-inom ng alak at pagsusugal sa Bagac Street sa Tondo.

Sinabi pa ng limang buwang buntis na ginang, arawan ang trabaho ng kaniyang asawa pero palagi nitong inuubos sa bisyo ang kaniyang pera.

Aminado din siya na napikon siya sa sagot ng mister kaya at kumuha siya ng bato saka niya ito inihampas sa ulo ng kaniyang asawa.

Tikom naman ang bibig ni Cris at nawala din ang pagka-lasing nito nang dahil sa insidente.

Facebook Comments