Manila, Philippines – Itinalaga ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Monica “Nikki” Prieto-Teodoro bilang Special Envoy of the President to the United Nations Children’s Fund (UNICEF).
Ang misis ni dating Defense Secretary Gilbert Teodoro ay kabilang sa 17 bagong appointees na itinalaga ni Pangulong Duterte sa iba’t ibang puwesto sa gobyerno.
Magugunitang inalok ni Pangulong Duterte si Gibo Teodoro ng puwesto sa gobyerno matapos nitong manalo sa eleksyon pero tumanggi ang dating kalihim.
Kabilang din sa mga binigyan ng bagong puwesto si Melissa Avanceña-Aradanas, bilang deputy Secretary General ng Housing And Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
Matatandaan na kasama si Aradanas sa mga opisyal na sinibak ng Pangulo sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na pinamunuan noon ni Terry Ridon dahil sa malimit na biyahe ng mga opisyal sa ibang bansa. <#m_2052948106754193711_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>