NAPILI | Atty. Aricheta, bagong Supreme Court En Banc Clerk of Court

Manila, Philippines – Sa botong siyam mula sa kabuuang labing-apat na mahistrado ng Korte Suprema, napili bilang Supreme Court En Banc Clerk of Court si 1st Division Clerk of Court Atty. Edgar Aricheta.

Papalitan ni Atty Aricheta si SC En Banc Clerk of Court Atty. Felipa Borlongan-Anama na nagretiro nitong February 22, 2018.

Si Atty. Anama ay dapat noong Agosto pa ng nakalipas na taon nagretiro sa edad na 65.


Gayunman,pinalawig ng anim na buwan ang panunungkulan nito sa SC En Banc kayat nito lamang nakalipas na buwan lamang ito tuluyang nakapagretiro.

Bukod kay Atty Aricheta , Kabilang din sa mga aspirante sa nasabing posisyon sina. Atty. Lourdes Perfecto, Clerk of Court ng supreme Court 2nd Division; Atty. Wilfredo Lapitan, Clerk of Court ng SC 3rd Division at Atty. Teresita Tuason, Asst. Clerk of Court ng SC 2nd Division.

Nakatakda namang manumpa bukas kay Associate Justice Teresita Leonardo De Castro si Atty. Aricheta.

Facebook Comments