Napili ng Oxford dictionaries ang “Toxic” bilang “word of the year” ngayong 2018.
Ibig sabihin, gamit na gamit ng mga tao ang salitang ito ngayong taon.
Ayon sa Oxford – tumaas ng 45 percent ang bilang ng mga indibidwal na nag-search ng salitang “Toxic” sa oxforddictionaries.com.
Ang salitang “Toxic” ay may literal na kahulugan na “poisonous” o nakakalason.
Pero ngayon, ginagamit na rin ito sa paglalarawan ng isang bagay, sitwasyon, pangyayari, karansan, kultura, relasyon, paaralan, workplace at pati na ng stress.
Noong nakaraang taon, “youthquake”ang itinanghal bilang salita ng taon ng Oxford.
Facebook Comments