Mga mamamahayag sa pangunguna ng pinatay na Saudi Arabian journalist na si Jamal Khashoggi ang tinanghal na “Person of the Year” ng maimpluwensiyang Time Magazine.
Ayon sa Time, matatawag na “The Guardians” ang mga mamamahayag na ito dahil sila ang nangunguna sa “War on Truth.”
Si Khashoggi ang Washintong Post contributor na pinatay sa Saudi Arabian consulate sa Istanbul, Turkey.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na patay na ang napili ng Time para sa Person of the Year Award nito.
Bukod kay Khashoggi, kasama rin sa kinilala sina Wa Lone at Kyaw Soe Oo ng Reuters na nakakulong sa Myanmar; Capital Gazette, isang diyaryo sa Maryland na kung saan limang empleyado nito ang pinaslang ng isang gunman at si Maria Ressa ng Rappler.
Ayon sa Time, napili ang mga mamamahayag na ito dahil sa walang takot nilang pakikipaglaban para maihayag kung ano ang tunay na nangyayari sa panahon ng pagmamanipula at pang-aabuso sa katotohanan.