Isinasailalim na sa assessment ng recovery team ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang Cauayan Airport sa Isabela na napinsala ng bagyong Rosita.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, nawasak ng bagyo ang bahagi ng bubong ng passenger area ng nasabing paliparan.
Aniya, hinihintay pa nila ang report mula sa kanilang recovery team para malaman kung pwede nang magbalik operasyon ang Cauayan Airport.
Sabi ni Apolonio, nagdagdag na sila ng security sa Cauayan Airport.
Maliban rito, napinsala rin ng bagyo ang Bagabag Airport sa Nueva Vizcaya.
Habang walang na-monitor na pinsala sa Laoag International Airport sa Ilocos Norte, Lingayen Airport sa Pangasinan at Tuguegarao Airport.
Facebook Comments