Umakyat sa halagang mahigit ₱10 bilyon ang napinsala ng Bagyong Ulysses sa agrikultura at imprastraktura.
Batay ito sa huling damaged assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Sa kanilang update, halagang mahigit ₱4 bilyon ang napinsala ng bagyo sa agrikultura sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, Region 5, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.
Habang halagang mahigit ₱6 bilyon ang na-damage ng bagyo sa imprastraktura sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, CAR at NCR.
Maliban sa mahigit ₱10 bilyong damage sa agrikultura at imprastraktura, 65,222 na mga bahay rin ang nasira ng bagyo.
Sa bilang na ito, 6,050 ay totally damaged habang 59,172 ay partially damaged na naitala sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, Region 5 and NCR.
Batay pa sa assessment ng NDRRMC, umabot na sa mahigit 835,000 families o katumbas ng mahigit 3 milyong indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Sa bilang na ito, 55,352 families ang nananatili pa rin sa 1,525 evacuation centers.
Patuloy naman ang relief operations ng gobyerno sa mga sinalanta ng bagyo.