Pumalo na sa mahigit 234 milyong pisong halaga ng mga pananim ang nasira dahil sa nararanasang El Niño sa ilang lugar sa bansa.
Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC namonitor ang mga napinsalang pananim sa rehiyon ng Mimaropa at Region 7.
Sa mimaropa kabuuang mahigit P153 milyon ang nasira ng El Niño, habang mahigit 80 milyong piso ng pananim naman ang nasira sa Region 7 ang mga pananim na ito ay palay at mais at iba pa.
Sa ngayon patuloy ang monitoring ng NDRRMC operation center sa mga lugar na matinding nakakaranas ng El Niño ito ay upang mabigyan ayuda ang mga magsasakang naapektuhan ng El Niño and mga pananim.
Facebook Comments