Napinsalang mga silid-aralan dahil sa pananalasa ng Bagyong Tino, umabot na sa mahigit 4,000

Umakyat na sa mahigit 4,000 silid-aralan ang nasira bunsod ng pananalasa ng Bagyong Tino sa bansa.

Base sa huling inilabas na situational report ng Department of Education (DepEd) Disaster Risk Reduction and Management Service, 2,795 sa mga ito ay may minor damage, 1,081 naman ay may major damage, at 653 ay may totally damage.

Dahil sa paghaguput ng bagyo, mahigit isa punto pitong milyong mag-aaral at 71,692 na kawani ng DepEd pa rin ang apektado.

Sa ngayon, 2,786 na pampublikong paaralan mula sa 22 na division sa apat na rehiyon ang suspendido pa rin ang klase.

Samantala, 501 na mga classrooms mula sa 57 na paaralan sa dalawang rehiyon ang ginagamit pa rin bilang evacuation centers.

Dahil dito, aabot na sa mahigit ₱170 milyon ang kinakailangang pondo para sa pagsasaayos at paglilinis sa mga nasirang silid aralan dahil sa Bagyong Tino.

Facebook Comments