NAPIPINTO | Pagkaubos ng Malampaya natural gas, magdudulot ng problema sa sektor ng enerhiya

Manila, Philippines – Sa darating na taong 2024 ay tinatayang mauubos na ang natural gas na nagmumula sa Malampaya.

Ayon kay Senator Juan Miguel Zubiri, tatlong major power plants ang pinapatakbo ng natural gas mula sa Malampaya.

Paliwanag ni Zubiri, ang pagsasara ng nabanggit na mga power plants ay tiyak magdudulot ng pagnipis sa suplay ng kuryente na magreresulta sa serye ng mga brownouts.


Nangangamba si Zubiri na baka magdalawang isip ang mga negosyante na mamuhunan sa bansa sa oras na maganap na ang kaliwat kanang brownouts.

Bunsod nito ay iginiit ni Zubiri sa pamahalaan na ngayong pa lang ay humanap na agad ng solusyon para maiwasan ang long term domino effect ng pagkaubos ng malampaya natural gas.

Facebook Comments