Nasa walumpung porsyento na ang konstruksyon ng apat na lupang ektaryang community hospital na matatagpuan sa Brgy. Gonzales, Umingan, Pangasinan.
Inaasahang mabebenepisyuhan hindi lamang ang residente sa nasabing bayan maging sa mga kalapit na munisipalidad tulad ng Natividad, San Nicolas, at Rosales.
Nasa mahigit limampu ang bed capacity nito na inaasahang mapapakinabangan pagdating sa usaping healthcare system.
Magkaroon ng makabagong mga medical equipment tulad ng CT scan, X-Ray at iba pang diagnostic devices.
Kabilang sa adhikain ngayon ng kasalukuyan administrasyon ay ang mas pagpapabuti pa ng labing-apat na government run hospitals sa probinsya.
Layunin ng nasabing proyekto na palawigin pa ang health services sa pamamagitan ng pagbibigay ng atensyong medikal lalo na sa mga mahihirap at nangangailangang mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨