NAPISA | Ginang, patay matapos maipit ng Jeep sa Guadalupe, Makati

Manila, Philippines – Patay ang isang ginang matapos na aksidenteng mapisa sa Pader sa Cloverleaf St. Guadalupe Nuevo, Makati City.

Batay sa inisyal na imbestigasyong isinagawa ni SPO2 Tirzo Jarabejo, naglalakad lamang ang biktima na nakilalang si Conie Velasco, 39, residente rin ng Makati, nang mawalan ng preno ang pampasaherong Jeep na minamaneho ni Isabelo Matugina.

Agad na dinala sa Ospital ng Makati ang biktima matapos dumating ang rescue team na nagalis sa kanya sa pagkakaipit mula sa pader.


Kasabay ng inihahandang kaso ay mananatili sa himpilan ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong Reckless imprudence resulting to homicide.

Facebook Comments