NAPOCOR, naging malaki ang papel sa power restoration matapos ang Bagyong Tino at Super Typhoon Uwan ayon sa DOE

Pinasalamatan ng Department of Energy ang National Power Corporation (NAPOCOR) dahil sa mabilis na pagpapanumbalik ng kuryente at ligtas na pamamahala ng mga dam matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino at Super Bagyong Uwan.

Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, binigyang-diin nito ang mahalagang papel ng NAPOCOR sa pagprotekta sa mga komunidad at pagpapatatag ng suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar. Nananatiling nasa normal na operasyon ang lahat ng dam na pinamamahalaan ng ahensya sa kabila ng magkasunod na bagyo, at walang naitalang pagbaha na dulot ng pagpapakawala ng tubig.

Mahigpit pa rin na mino-monitor ang mga dam at kontrolado ang mga paglabas ng tubig upang matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad sa ibaba nito.

Calayan – Operational ang diesel power plant, at dalawang barangay na lang ang naghihintay ng completion ng distribution line repairs ng LGU.

Ticao – Patuloy ang operasyon ng power plant; apat na barangay ang naghihintay ng restoration mula sa local electric cooperative.

Romblon – Lahat ng NAPOCOR diesel power plants ay balik-normal na.

Facebook Comments