Thursday, April 9, 2026

NAPOCOR, tiniyak na hindi magkakaroon ng brownout sa kabila ng nararansang krisis

Tiniyak ng National Power Corporation (NAPOCOR) na sa kabila ng nararanasang krisis sa langis ay hindi magkakaroon ng brownout sa mga lugar na siniserbisyuhan nito.

Pahayag ito ni NAPOCOR President and Chief Executive Officer Jericho Nograles sa hearing ng House Deca-Tri Committee o Legislative Energy Action Development Council ng Kamara.

Ayon kay Nograles, dahil sa Ukraine war situation ay naghanda sila para sa 50% increase sa presyo ng langis.

Kaya naman sabi ni Nograles kahit papaano ay preparado sila ng sumiklab ang gera sa pagitan ng US, Israel, at Iran.

Binanggit ni Nograles, na bumibili sila ngayon ng fuel sa halagang P127 per liter kaya hindi maiwasan na magkaroon sila ng kakulangan sa budget na posible nilang maramdaman sa buwan ng Mayo.

Binanggit ni Nograles na walang makapagsasabi kung hanggang kailan magtatagal ang krisis sa Gitnang Silangan kaya ang kanilang ginagawa ay maayos na management para hindi magka-aberya ang kanilang serbisyo.

Facebook Comments