NAPOLCOM headquarters sa QC, naka-lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado nito

Inilagay sa tatlong araw na lockdown ang headquarters ng National Police Commission o NAPOLCOM sa Quezon City.

Ito ang inilabas na abiso ni NAPOLCOM Commissioner Vitaliano Aguirre II, matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado nito.

Magsisimula ang lockdown ngayong araw at magtatagal hanggang March 19, para bigyang daan ang contact tracing at disinfection effort.


Tuloy naman ang mga transaksyon, partikular ang pagtanggap ng mga isusumiteng mga dokumento sa ahensya sa pamamagitan ng mga Personnel Administrative Service sa ground floor ng NAPOLCOM building.

Facebook Comments